xx  kadena  xx

umuwing may kasamang lunkgot
nang biglang sumabit at nasira
ang kadena na nakasabit
sa aking pantalon.

napayuko at nagulat nang
makita sa aking paanan ang mga
piraso ng kadena na dahan-daha'y
naglaglagan. isa-isang kumalat sa
aking harapan.
at ako'y napatitig na lamang.

nakakahiya kung ito ay aking
pupulutin lahat. isa-isa.
pagkat ang iba'y nakalayo na
mula sa aking kinatatayuan.

kaya't ako'y uupo at
pag-iisipan ang kahalagahan ng
kadenang ito na aking nabili
dalawang taon na ang nakakaraan.

hindi na ito muling
magiging burloloy sa aking katawan.
itatago na lamang sa isang
espesiyal na lalagyan
at hihintaying makalimutan.

back